HINDI PO AKO INLOVE. SADYANG MASAYA LANG. :3
Minsan, masaya lang talaga maging masaya. Yung simpleng rason lang. Yung simpleng makausap mo lang yung taong matagal mo na di nakakausap.
Hindi ko maexpress into words yung feeling. Yung sobrang saya na naluluha ka na.
Sadyang may mga tao lang din siguro talaga na sa presensya lang nila, magiging masaya ka na. :)
Thank you Lord at naging parte siya ng buhay ko. :) Thank you po. :)
Last year, nung summer, dahil ojt namen, karamihan sa mga batchmates ko, bawal mag-fb sa office. Kaya nabuo ang group chat sa skype at doon nag-iingay.
Kanina, napabukas uli ng Skype dahil sa kadahilanan din na yun. At umingay na naman pows. HAHA. Saya saya makachat mga batchmates mo lalo na’t di na kayo masyado nagkikita/magkikita.
Pero sadyang ayoko lang masyado magbukas ng skype dahil masyadong maraming ala-ala ang meron don hahahahahaha
Somebody that I used to know…
Katulad ng mensahe ng title ng kantang yan, nakakalungkot isipin na may mga tao tayong maituturing na parang “acquiantance” na lang.
Yung bang kaibigan mo tas biglang hindi mo na lang naramdaman uli yung presensya nya.
Mas masakit yung feeling na isa siya sa matalik mong kaibigan.
Bakit ko ba naisipan mag-post tungkol dito? Siguro dahil may mga namimiss lang akong mga kaibigan ko. I wonder if they miss me too.
Medyo emo ‘tong post na ‘to. HAHAHAHA.
GRADUATION DAY APPRECIATION POST
May 10, 2013. Yes, it’s been 5 days since our College Graduation Day. Pero hindi pa rin ako maka-get over sa fact na graduate na talaga ako and hindi na ako mag-eenroll ngayong darating na pasukan. Medyo mixed emotions, pero mas nangingibabaw naman yung saya. :)
Expected ko na yung graduation eh madrama, mag-iiyakan kami pero hindi man lang nangyari yon. Puro tawanan, na parang practice lang yung grad na yon. HAHA. Hindi naman sa hindi namin mamimiss ang isa’t-isa, alam kong sa loob namin, may lungkot din kaming nararamdaman pero pinili namin na maging masaya nung araw na yon. Sayang kaya make-up! HAHAHA.
Madaming nangyaring unexpected ng araw na yon pero di ko na makkwento lahat dito kasi medyo nakakahiya. HAHAHA. At dahil na nga rin siguro gutom na ang lahat pagkatapos ng grad e hindi na nakapagpapicture sa iba.
Yung gabi bago yung grad, medyo malungkot talaga ako, pero buti na lang at hindi hinayaan ni Lord na maramdaman ko yun sa mismong special na araw para sa akin, para saming mga graduates. :) Kahit na napakatagal ng graduation ceremony, hindi ako na-bore dahil sa mga katabi kong maiingay at nakakatuwa. :))) At nagpapasalamat na din ako sa mga pasaway na nagdala ng cam at buti nalang may picture ako kasama sila. Hehe. :)
Ang bilis ng panahon, 4 na taon na kaagad yung nakalipas, 4 na taong paghihirap sa kursong pinili ko. Ang 1st choice ko na course, medyo nag-dalawang isip ako nung unang taon kasi nahirapan ako, pero buti nalang at di ako sumuko at tinuloy pa rin yung laban na ‘to. Nagpapasalamat ako sa mga naging propesor ko, mabait man o hindi, masungit man o hindi, dahil kung hindi rin dahil sa kanila, hindi ako aabot sa araw na yon. Sa mga propesor na hindi ko man naging guro sa kahit anong subject pero naging parte ng pag-aaral ko sa PUP, nagpapasalamat ako sa mga kasiyahan at kalungkutan na napagsamahan naten. Hindi lang kayo naging mabuting propesor kundi isang pangalawang magulang at kaibigan sa akin.
Sa mga batchmates ko, sa mga naging kaklase ko simula 1-1, 2-1, 3-2, 4-2 at 4-3, salamat sa mga hirap, saya, kalungkutan, at bonding na napagsaluhan naten sa loob at labas ng PUP. Sa mga batchmates kong di man naging kaklase pero naging sobrang kaclose ko, salamat sa pagiging parte ng 4 na taon ko sa kolehiyo.
Sa mga babes ko,

Eto lang ang picture na nahagilap ko na kumpleto tayo, (kahit nasa tv lang sina Karen at Jirah. :p)
Wala kase tayong picture nung grad dahil nagkahiwalay-hiwalay na. Salamat sa inyo. Maraming nangyari sa apat na taong pagiging magkaibigan naten, maraming nagbago, madalas man na hindi tayo kumpleto, nababalewala man natin ang isa’t-isa kung minsan, alam kong mahal na mahal pa rin naten ang lahat. Masaya ako at kayo ang mga binigay ni Lord para maging mga kaibigan ko. Medyo ang drama ko lang at naiiyak na ko habang tinatype ko ‘to. Hahahaha. Pero seryoso, mahal ko kayo, kahit na nagkaron ng mga problema na hindi naten inaasahan, mas nangibabaw pa rin yung love naten sa isa’t isa.
At sa dalawa naming bibe na sina Mica at Badette, hindi man namin kayo kasabay na grumaduate, dadalawin parin namin kayo sa pup, galingan nyo ah, kayo naman next, sa October pupunta kami sa Grad nyo! :*
Sa mga kaibigan ko sa lower batch, mamimiss ko kayo makasalubong sa corridor ng East wing or sa South Wing lobby. Mamimiss ko yung dadaan ako at may tatawag sakin ng “Ate Cha!”. Kayo naman next na gagraduate, galingan nyo. :)
Sa mga naging crush ko sa 4 na taon kong pag-aaral sa pup, salamat sa inyo, sa pagpapaganda ng mood ko pag naiinis ako. Sa pagngiti nyo na nakakapagpangiti saken. Hahahaha. Mamimiss ko kayo. (kayo talaga e no, ang dami hahaha)
Nagpapasalamat din ako sa 4 na taong pagiging scholar ko sa tulong ni Cong. Rex Gatchalian, ay mali, Mayor Rex Gatchalian na pala. Pasensya ka na po ah, di ako registered voter, di tuloy kita naiboto, pero kahit naman ganun, nanalo ka pa din po. Marami ang nagagalit sa pagkakaroon ng Political Dynasty pero masasabi kong dito sa Valenzuela, kahit na matagal na kayo namumuno ni Cong. Win, ok lang dahil napatunayan nyo ang galing nyo sa pamumuno. Sa mga pagbabago na nangyari sa Valenzuela, masasabi kong wala akong mairereklamo. (lalo na di ako botante pa. haha) Thank you din kay Ma’am Charie na lagi nag-aasikaso ng scholarship ko, kahit na lagi ka po kinukulit ng nanay ko dahil wala pa yung allowance ko pero sa totoo lang eh ako yung may kasalanan dahil late na ako nagpapasa ng requirements hahaha.
Sa pamilya ko na laging andyan lalo na pag nakakaiwan ako ng gamit sa bahay at kelangan dalhin ssa kung san man ako naroon, sa mga panahong kelangan kong mag-overnight, sa mga panahong di ako natutulog, sa pagtitimpla ng kape, sa paggising sakin sa tamang oras kapag kelangan pumasok ng maaga, sa pagsesermon sakin pag may nagawa akong mali or pag ginabi ako ng uwi, salamat po. Nay, Tay, salamat po sa 4 na taon nyong paggabay sakin sa kolehiyo, sa 6 na taon na paghatid sundo sakin sa elementary, sa 4 na taon na pagttyaga sa pagiging pasaway ko nung high school at sa 19 years na pag-aalaga sakin. :’)
Sa Dalandanan Elementary School at sa mga naging teacher ko, salamat sa lahat ng naituro nyo sa akin, kahit na napakatahimik ko noon at di makabasag pinggan ako. Hahaha. Sa Valenzuela City Science High School at sa mga teacher ko, salamat sa mga kaalaman at experience na naibahagi niyo sakin, sa pagturo sakin na maging madaldal(hahahaha), sa pag-build ng self confidence ko, salamat po. :) At syempre, sa aking Sintang Paaralan, na nagturo sakin ng maraming maraming bagay tungkol sa buhay, nagturo sakin kung paano magtipid, ng pasensya sa pagpila at paghihintay, sa pagpasensya sa mga mas nakakatanda sa’yo, sa pagturo sakin na tumayo sa sarili kong paa, sa pagturo sakin na maging isang lider at sa pagpapakilala sakin kay Lord. :) Salamat sa lahat ng karanasan na ibinahagi mo sakin, Sintang Paaralan.
At syempre, higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa tatay nateng lahat. Thank You Lord sa lahat-lahat. I cannot enumerate all kasi napakadami at hahaba na ng sobra ito. Haha. Alam ko namang mababasa mo ‘to Lord kahit wala kang Tumblr e. HAHA. Salamat sa paggabay sakin at sa overflowing grace Mo. :)
Alam ko naman karamihan sa mga pinasalamatan ko dito, hindi nila mababasa ‘to, nagffeeling Valedictory speech lang. HAHAHA.
CONGRATULATIONS TO US 2013 GRADUATES! :)
(Source: spiritualinspiration, via spiritualinspiration)
Yes, I admit. I’m all that frustrated these past few weeks dahil wala pa rin akong work. I admit naiinggit ako sa mga ka-batch ko na may work na ngayon. I always tell myself not to feel that way because I know God has a plan for this. Pero paulet-ulet lang nagsisink-in sa utak ko ung thoughts.
Naiisip ko din na hindi ako dapat mainggit kasi di naman yun ung gusto kong work e. Actually hindi ko pa rin talaga alam anong gusto ko. Gusto ko talaga magprogrammer, pero mukhang ayaw saken ng programming. HAHA.
Pero ngayong gabi, pinaalala sakin ni Lord na hindi ko maramdaman ang ,lahat ng yon. Nakakaiyak sa sobrang overwhelming nung feeling. Yung alam mong hindi talaga aksidente na nabasa mo yun, na alam mong si Lord yung kumakausap sa’yo, yung sya talaga gumawa ng paraan para masabi sa’yo ung mga salitang yon.
Nagbasa ako ng mga print-outs nung sa Psych namin dati kasi nanghinayang ako na itatapon ko nlng ng hindi ko man lang binasa. Medyo interesting din naman. Mga about emotions, dreams, motivations, DRIVE.
And after, nagbasa ako ng Purpose Driven Life, and nabasa ko na naman yang word na yan. Hindi ko na mai-kwento dito yung buong detalye dahil sobrang overwhelmed ako sa mga sinabi sakin ni Lord.
Kapit lang. :)
“For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.
- Jeremiah 29:11
May 1, 2013.
Graduation Month. Birth Month for me. Medyo masaya akong salubungin ang Month na ‘to dahil sa dalawang reasons na yan. Well, Happiness is a choice right? :)
Alam ko din na this is gonna be a different Month from others dahil ngayong month ang grad ko. And this will be a differrent birth month ‘coz I’ll be saying goodbye to my teenage years and turning 20. HAHA. Magkakaroon na ng 2 sa unahan ng age ko. :p And it will be my 1st bday na hindi na ako student. :p
I just have only one thing that I expect this month, to be hired. :) At dahil mag-20 na ko, sana by that time may birthday na ko, may work na din ako. HAHA. Para maging 1st bday ko un na employed na. :)))
Well, I trust everything in His name and will. I am patiently waiting for His plans for me. :)
HAPPY MAY! :3
(Source: spiritualinspiration, via spiritualinspiration)
Hindi ko maramdaman yung feeling ko ngayon.
May exam ako bukas sa Company na pinag-ojthan ko nung summer. Nung nalaman kong may opening, masaya ako kasi Sys Ad yung opening nila, yun yung gusto ko matutunan nung ojt plng ako. Kasi pwede makapag-apply. Kaso, biglang kinabahan, kasi…
- Systems Admin yung opening, kakilala ko yung mga andun sa Dept na yun.
- Kakilala ko yung mag-iinterview. And I’m not comfortable na kakilala ko yung mag-iinterview sakin. Waaaa. And I can’t even post this rant on fb kasi friends ko sila dun. HAHAHA.
- Medyo wala akong alam dun sa mga servers. Haaaay. Bahala na bukas. -______-
Puro AN ang rereviewhin ko ngayon. wiw.
At eto ang laman ng desktop ko ngayon. HAHAHA. Ang dami kong babasahin. -_-“



